title

The misadventures of Ginang Lakwatsera

Wednesday, November 18, 2015

Maka-Bayan o Maka-Sarili? #APECtado din ako!

Public transportation ba talaga problema? Or private sector? Ilan ang lane sa edsa para sa private vehicles? Tatlo. Ilan ang lanes para sa public? Dalawa. Yung mga private ilan ang sinasakop in reality? Lima. Kanya kanyang kotse, mura ang downpayment, may kotse ka na, dagdag ka pa sa trapiko.
Kulang ba talaga ang kalsada? Or volume ng mga sasakyan ay sobra na? Makabayan o makasarili?

Security risk, security threats. Safety pinaguusapan dito. Sana nga sa ibabaw nalang sila ng bundok nagmeeting. Or island. Para walang impact sa atin. Maghelicopter sila papunta at paalis. Yung mga apec houses sa subic, anong nangyari? Pinabayaan lang. Yung iba pinasok pa ng vandals. Bakit kamo? Wala trip lang nila. Makabayan o makasarili?

Yung mga homeless na yan, mga squatter, sino ba may sabing mag stay sila dito? May kanya kanyang bahay yan sa probinsya nila. Bakit ba nakikipag siksikan sila dito? Wala, trip lang din nila. Makabayan o makasarili?

Yang mga streetlights na yan. Sino bang sumira dyan? Yung nangangalakal na tinibak na yung pwede maibenta sa junk shop. Yung mga side walk anong makikita mo? Mga wrapper ng candy, sitsirya at upos ng sigarilyo. Para saan ang mga basurahan? Display lang ba? Bakit nagkakabaha? Dahil barado ang drainage. Bakit? Dahil sa candy wrappers, sitsirya at upos ng sigarilyo. Yung ibang kotse, magbubukas pa ng bintana, with feelings pa magbato ng basura sa kalsada. Pakyu! Kung may magic lang ako, bibigyan ko ng spell lahat ng basura! Kung hindi sa basurahan itinapon yung kalat, automatic babalik sa kamay ng nagtapon (or worse, isusubo ko sa bibig nung nagtapon! Makabayan o makasarili?

Internet usage, kawawa ba talaga tayo? O mapansamantala? Yung iba hoarding! Makapag download or streaming, kala mo sila lang ang may karapatan gumamit ng internet sa buong mundo! Pano naman yung iba? Kaya kelangan ng "fair usage policy" or capping ng consumption. Sa ibang bansa din naman implemented yan ah. Makareklamo kayo wagas! Namomoblema ka na nga kung saan mo ilalagay yung next episode ng kung anu mang series ang sinusubaybayan mo! Nahirapan ka pa magdownload dyan ha. Crawling kbps speed pa yan. Kawawa ka naman. Poor you. Makabayan o makasarili?

Manila deserves to be at its best EVERYDAY! Ayusin mo naman. Maging mabuting mamamayan ka. Do your part! Reklamo ka ng reklamo. May nalalaman ka pang 2nd class citizen. If i know nung nasa ibang bansa ka, kaya mo naman ishoot sa basurahan ang kalat mo, tumawid ng tama, magbus or train papunta sa paroroonan, at higit sa lahat ang irespeto ang lugar at pangalagaan ito. Kaya mo naman sa lupang banyaga. Bakit dito ayaw mong alagaan ang lupang sinilangan? At pati yan iaasa mo pa sa gobyerno? Gawin mo nalang. Tama na ang puro dada. Lumalabas lang ang pagiging makasarili mo. Nakakahiya!